MLM Philippines – Sino ang Kumikita sa Networking?

Sa MLM, Network Marketing or any relationship business, sino ang kumikita?

10171160_10153364486724253_3518404819108218609_n

“LEADERS”.

Paano maging leader?

TIP 1. MAGKAROON NG LEADER MINDSET – ang mga leader ay hindi reklamador o naninisi sa mga bagay na di naaayon. Ang leader ay naghahanap ng solusyon sa problema, hindi panibagong problema sa isa pang problema. Ang leader ay marunong umamin ng pagkukulang at laging open sa bagong learnings. Ang leader ay may malaking vision para sa team nya at ang kilos at isip nya ay GUSTO NYA TALAGANG MAGING SUCCESSFUL NO MATTER WHAT.

TIP 2. BE A GOOD FOLLOWER – ang lahat ng mga leaders ay nagsimula muna sa mababa / maliit. Hindi mo makakayanang maghandle ng malaking grupo kung hindi mo naranasan maging tagasunod muna ng naaayon sa mission at vision ng team. At bilisan mo ring matutunan ang negosyo mo para mas mabilis kang makatayo sa sarili mong mga paa.

TIP 3. LEARN TO ACCEPT REJECTIONS AND MINOR FAILURES – ang mga leader ay nakatanggap na ng sangkatutak na rejection sa buhay nila, sa business nila at hindi na sila nagpapadala sa emosyon nila. Aware sila na sa mundo ng negosyo, kailangan maging matibay, at maging focused sa goals nya. Maraming beses ka rin madadapa pero dapat lagi kang bumabangon at nagpapatuloy sa iyong journey to success.

TIP 4. BELIEVE IN YOURSELF, BELIEVE IN YOUR DREAMS – kailangan ikundisyon mo ang sarili mo na kaya mo. Kung nakaya ng ibang tao, kaya mo rin. Kailangan mo ring taasan ang pangarap mo para ang galaw mo ay para maabot ang pangarap na yun. Ang leader ay marunong magtake ng risk para malaman nya ang kapasidad nya bilang isang taong matayog ang pangarap.

TIP 5. BELIEVE IN YOUR “WHY” – lahat ng tao ay may malalim na dahilan kung bakit pumasok sa ganitong klaseng business. Kung ikaw ay napanghihinaan ng loob, balikan mo lang ang MGA DAHILAN MO kung bakit ka nagsimula in the first place.

TIP 6. WAG KANG MAGDEPENDE SA SPONSOR MO – Tandaan mo na may responsibilidad ka na nung pumasok ka sa ganitong klaseng negosyo. Hindi mo sya ipapatrabaho sa sponsor (upline) mo. Nanjan sya para iguide ka pero di sya ang magpapatakbo ng account mo. Responsibilidad mo na aralin, bigyan ng effort, bigyan ng time, pagpuyatan, pagpawisan at paghirapan para makuha mo ang income goal mo para sayo, at sa team mo. Kung nakabili ka na ng bahay mo, sino ba ang titira jan, upline mo? Kung nakabili ka na ng sasakyan mo, sino magddrive nyan, upline mo? Kung kumikita ka na ng 6-7 monthly income, kaninong bank account mapupunta yan, sa upline mo? Pagisipan mong mabuti.

TIP 7. MARUNONG MAGDASAL AT MARUNONG MAGTAKE NG MASSIVE ACTION – Lagi nating tatandaan na lahat ng bagay sa mundong ito ay pahiram lang ng Diyos. Marunong dapat tayo magpasalamat sa blessings na ipinagkakaloob sa atin, and start being a blessing to others. May purpose tayo sa mundong ito at hindi ito para sa sarili

lang natin. Ang leader ay hindi lang puro dasal, kundi isinasakatuparan ang dasal sa matinding aksyon!

I hope ay nainspire kayo at namotivate sa tips na ito! Now unleash the leadership in you! We believe you can do it even if others say you cannot!

~

Your online marketing coach,
Raffy Calicdan

P.S.
Ikaw, ano sa tingin mong kailangan para maging leader?

Icomment mo lang sa baba ang sagot mo para mabasa ng iba!